C. Tukuyin ang konseptong inilalarawan sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang. 1. Ito ay ang direkta o tuwirang pananakop ng isang malakas na bansa sa iba pang mahihinang bansa. Upang makamit ang mga layunin o mga interes nito tulad ng pagkuha ng mga kayamanan. 2. tawag sa mga teritoryo at mamamayan na napasailalim sa kapangyarihan at pagkontrol ng bansang mananakop. 3. Ito ay isang ekspidisyong military na inilunsad ng Kristyanong Europeo laban sa mga Turkong Muslim upang mabawi ang Jerusalem sa mga kamay nito. 4. Ito ay isang sistemang pangkabuhayan na lumaganap sa Europa noong ika-16 hanggang ika-18 siglo kung saan ang batayan ng kaunlaran at kapangyarihan ng isang bansa ay nakasalalay sa dami ng ginto at pilak na pag-aari nito. 5. dalawang bansa ang nanguna sa paglalayag at pananakop ng mga lupain. Ang dalawang bansang ito ay parehong bansang Kristiyano kung kaya't humingi sila ng pahintulot mula sa Papa ng Rom na si Papa Alexander VI na ipalaganap ang Kristiyanismo sa mga bansang kanilang maikolonya.