ano na iambag ni Surrendranath Banerijee​

Sagot :

-Kontribusyon ng mga Politikal Lider-

[Surendranath Banerjee]

Si Surendranath Banerjee ang nagtatag ng Indian National Association o ang Asosasyon ng mga Indian Nasyonal. Siya ang nanguna sa mga kilos protesta laban sa pagkakahati ng mga probinsya ng Bengal at India. Siya ang namuno sa pakikipag diyalogo sa mga Briton upang ipaglaban ang kanilang kalayaang pampulitika.

[Muhammad Ali Jinnah]

Si Muhammad Ali Jinnah ang nagtatag ng Pakistan. Siya nag nagsilbing pinuno ng samahang Indianong Muslim. Bilang kauna - unahang gobernador ng Pakistan, sinikap nyang magkaroon ng sariling gobyerno at polisiya ang Pakistan ukol sa mga migranteng Muslim na naglakbay mula India patungong Pakistan matapos ang kanilang kasarinlan.

[Mohandas Gandhi]

Si Mohandas Gandhi ay ang espiritwal at pulitikal lider ng India na nakipaglaban upang makalaya ang India. Siya ang nanguna at nagpalaganap ng Satyagraha o ang pagsawata sa kalupitan laban sa mga Indian. Ito naisakatuparan sa pamamagitan ng malawakang pagkilos na hindi sumunod sa ahimsa o ang kabuuang kawalan ng karahasan na nagdulot ng kalayaan ng Indiya, at nagmulat sa mga kilusan para sa mga karapatang sibil at kalayaan sa buong mundo.

#i hope it helps

#im new

#brainlestbunch