Gabay sa Pagkatuto Bilang 4: Basahin ang sitwasyon at sagutin ang mga katanungan sa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel. Sitwasyon: Ipinanganak si Fina na walang nakagisnang ama. Palaging nagagalit ang ina sa tuwing nagtatanong siya tungkol dito. Nakadama si Fina ng kakulangan sa pag-ibig kaya nakipagrelasyon siya sa kaklase. Inakala niyang mapupunuan nito ang kakulangang nadarama. Ginagawa nila ang hindi dapat at nagbunga ito. Ayaw panagutan ng lalaki ang nangyari dahil hindi pa raw siya handa. Mabigat tuloy ang suliranin ni Fina at hindi alam kung ano ang gagawin. Mga Tanong: 1. Tama ba ang naging pasya at kilos ni Fina? Ipaliwanag ang iyong sagot. 2. Kung kaibigan mo si Fina, ano ang ipapayo mo sa kaniya? 3. Kung ikaw si Fina o ang karelasyon, gagawin mo rin ba ang nasa sitwasyon? Paano mo maiiwasang mangyari ang ganitong kamalian sa iyong buhay?​