magbigay ng mga katangian o kahulugan ng epiko​

Sagot :

Answer:

Ang Epiko o Epic sa wikang English ay isang uri ng panitikan na matatagpuan sa iba't ibang grupo o pangka etniko. Ilan sa katangian ng epiko ay ang mga sumusunod:

Paggamit ng bansag sa pagkilala sa tiyak na tao

Inuulit na parirala o mga salita

May mga makulay ng mga imahe at metapora na ginagamit sa pang araw-araw na buhay at kalikasan (halaman, hayop, mga bagay sa kalangitan, atbp.)

Karaniwang umiikot sa kwentong bayani, pakikipaglaban sa mga mahihiwagang nilalang, anting-anting, at mga kwentong pag-ibig na paghahanap sa kanyang minamahal o magulang; maaaring ito ay tungkol sa panliligaw o pag-aasawa.

Kahulugan ng Epiko

Ang epiko ay nagmula sa salitang Griyego na "Epos" na ang kahulugan ay "Awit". Bawat kwentong epiko ay iba-iba at namumukod tangi sa bawat rehiyon at hindi maikukumpara sa mga bawat isa. Ang mga kwentong epiko ay tungkol sa kabayanihan noong unang panahon na punung-puno ng mga makukulay at kagila-gilalas na pangyayari. Ang mga panguhanhing tauhan ay mga bayani o may katangiang nakahihigit sa karaniwang tao at kadalasan ay mga diyos o diyosa.

Explanation:

Halimbawa ng Kwentong Epiko sa Pilipinas

Ilang halimbawa ng kwentong epiko ng Pilipanas.

Biag ni Lam-ang ng Ilocos

Ibalon ng Bicol

Darangan ng Maranao