Tayahin Ang pag-unlad ng bansa ay nakasalalay sa pagtutulungan ng bawat mamamayan. Walang mahirap na pagsubok sa Pilipinong may bukas-palad sa pagtulong sa kapwa. Panuto: Unawain at sagutin ang tanong. Isulat sa isang papel ang sagot sa mga tanong 1. Anu-anong mga kalamidad ang hindi mo makakalimutan habang buhay? 2. Ano-ano ang naramdaman mo at ng iyong pamilya sa panahon ng kalamidad na iyon? Sumulat ng tatlo. 3. Sa iyong palagay anong ahensiya ng pamahalaan ang tumutulong sa mga nasalanta ng bagyo o anumang kalamidad? 4. Mahalaga bang tulungan ang mga biktima ng kalamidad? Bakit? 5. Sa paanong paraan ka makatutulong sa mga apektado ng kalamidad? Magbanggit ng dalawa.