Sagot :
Explanation:
Halimbawa ng liham pang negosyo
1. (PAMUHATAN- pinagmulan ng liham, pangalan, lokasyon, at petsa)
EXAMPLE:
JYRUS Travel Agency
3642 Diamond St.
Lanang Damosa, Davao City
Oktubre 5, 2020
2. (PATUNGUHAN - pangalan, adress, titulo (teacher,ceo, atbp) lokasyon ng padadalhan)
EXAMPLE:
Josephine A. Basilio
Unit 503 ABC
Mudiang, Bunawan Proper
3. (BATING PAMBUNGAD- "mahal na Bb., (binibini) G., (Ginoo) Gng., (Ginang) laging nagtatapos sa tutuldok ( : ) hindi kuwit! (,)
EXAMPLE:
Mahal na Gng. Basillio:
4. (KATAWAN - unang talata ; nagpapahayag ng nais na sasabihin
gitnang bahagi ; isasalaysay ang pangyayari at magbigay ng katibayan ukol sa pangyayari o pinag usapan
huling bahagi; sinasabi ang aksyon sa mapitagang pamamaraan
(Ex. ng huling bahagi: ang iyong pahintulot ay aming kakalanganin, ako'y maghihitay sa iyong kaukulang sagot, kung kayo'y hindi magbabayad sa kaukulang panahon ay kukunin namin ang iyong kagamitan upang maging bayad sa iyong kaukulang utang. )
EXAMPLE:
Nais kong ipaalam sa inyo na ang iyong tatlong kwarto para sa limang kataong reserbasyon sa Dagat ni Baste noong Agosto 28-30, 2020 ay maari ninyong gamitin hanggang Nobyembre 30, 2020. Maari kayong makipag ugnayan sa amin sa 09260764465
Mahalaga sa amin ang inyong kapakanan at kaligtasan.
5. (PAMITAGANG PANGWAKAS - maikling pagbati na nagpapahayag ng paggalang at pamamaalam. kadalasang nasa kanang bahagi ng liham kalakip rin nito ang pangalan ng nagpadala.
ex. Sumasainyo, lubos na gumagalang
EXAMPLE:
Sumasainyo
6.Pangalan ng nagpadala,
Ex:
Jeffrey N. Toleran
(sa baba ng numero 6 ay pwedeng lagyan ng titulo. (Ceo, studyante, Guro, kamag-aral at iba pa pwede ring hindi)