sagutin Ang panuto: ano ano Ang mga gawain sa bahagi ng halaman? isulat Ang tamang sagot, paki sagot po ng maayos​

Sagutin Ang Panuto Ano Ano Ang Mga Gawain Sa Bahagi Ng Halaman Isulat Ang Tamang Sagot Paki Sagot Po Ng Maayos class=

Sagot :

Answer:

Narito ang bahagi ng isang halaman na binubuo ng bulaklak, dahon, bunga, tangkay at ugat. Kasunod nito ay ang deskripsyon ng mga parte nito

Bulaklak - Ito ang gumagawa ng binhi upang dumami pa ang halaman. Ito ang madalas dapuan ng mga paru-paro dahil sa taglay nitong pollen

Dahon - Ito ay importanteng parte ng halaman sapagkat ito ay isa sa mga responsable sa photosynthesis. Ito ay gumagamit ng liwanag, hangin at tubig.

Tangkay - Ito ay ang parte ng halaman na nag dudugsong sa halaman at dahon. Ito rin ang nagdadala ng tubig patungo sa dahon.

Bunga - Ang bunga ng halaman ay syang produkto nito na may binhi o buto sa loob upang itanim muli at maging isang ganap na halaman.

Ugat - Ito ang parte ng halaman na responsable sa pagkuha o pagsipsip ng tubig mula sa ilalim ng lupa.