Gawain 3; Pag-aralan at unawain

Panuto: Basahin ang sitwasyong nasa loob ng kahon at pagkatapos ay sagutan ang tanong sa ibaba:

Galit na galit ka sa kapit bahay mo na anak ng konsehal sa inyong baranggay dahil nakuha niya ang trabaho na sana ay dapat mapunta sa iyo. Alam mong mas kwalipikado ka kaysa sa kanya kung pinag-aralan at kakayahan ang naging sukatan. Inereklamo mo siya sa inyong alkade dahil sa palagay mo, ito ay hindi makatarungan at sistemang palakasan ang pinairal. Naging negatibo ang pag-uusap ninyo. Sa sobrang galit mo napagsalitaan ng di kanais-nais na salita ang inyong alkalde. Sa inyong pag-uwi, di maalis ang galit na iyong nararamdaman at di mo napansin ang pagpalit ng kulay pula ng traffic light sa daan kaya nahuli ka ng traffic enforcer. Sa pagnanais na di maabala, kinausap mo ang nanghuli sa iyo na pag-usapan na lang ito at sinabi mong pamangkin ka ng isa sa mga kasama nila.

Tanong:
1. Anong kilos ang nais ipakita ng sitwasyon?
2. Kung ikaw ang nasa sitwasyon ano ang iyong gagawin o magiging tugon?
3. Ano ang maaari mong pasya at paano ito nakakaapekto sa kabuuan? Ipaliwanag​