Ibigay ang mga pagbabagong nakamit sa panahon nina Pisistratus at Cleusthenes?

Sagot :

Sa panahon ni Psistratus.
-Siya ay namahagi ng mga lupang sakahan sa mga magsasakang walang sariling sakahan.
-Nagbigay siya ng pautang.
-Nagbukas ng malawakang trabaho sa malalaking proyektong pampubliko.
-Pinagbuti niya ang sistema ng patubig.

Sa panahon ni Cleisthenes. (Kung siya ang inyong tinutukoy.)
-Hinati niya ang Athens sa sampug distrito.
-Nakaboto sa Asembleya ang lahat ng mamamayan, may lupa o wala.
-Nagpatupad siya ng isang sistema kung saan bawat taon ay binibigyang ng pagkakataon ang mga mamamayan na ituro ang taong nagsisilbing panganib sa Athens. Ito ay tinatawag na Ostracism.
                                                                               -KookEin