Marami ang uri ng panitikan at isa na dito ang nobela. Ito ay isinusulat sa karaniwang takbo ng pangugusap kung saan ito kwentong piksyon na madaming kabanata. Ang parabula ay isang kwentong nag iiwan ng aral. Halimbawa nito ang Alibughang anak kung saan matapos talikuran ng anak ang ama ay tinanggap niyang muli ito. Ang alamat naman ay isang kwento kung saan isinasaad ang pinagmulan ng isang bagay. Halimbawa nito ay ang Alamat ng Makahiya.