ano ang layunin ng pamilya sa lupunan?

Sagot :

Pamilya

      Ang pamilya ang pinakamaliit na sangay ng lipunan na sumusuporta sa pamahalaan at bumubuo sa pamayanan. Karaniwang binubuo ito ng ama, ina, at mga anak.

Uri ng Pamilya:

  • Nuclear - ang pangkaraniwang balangkas ng pamilya na binubuo ng tatay, nanay, at mga anak.
  • Extended - kapag ang pangkaraniwang pamilya ay nanirahan kasama ang kanilang mga lolo at lola, tiyuhin at tiyahin, pinsan, o iba pang mga kamag - anak.

Layunin ng Pamilya sa Lipunan:

  • Ang pamilya ang bumubuo sa lipunan. Bilang bahagi ng lipunan, sila ang responsable sa seguridad ng lipunan. Tulad na lamang ng seguridad sa pananalapi, pagkain, tirahan, kaligtasan, at iba pang pangangailangan.
  • Ang pamilya ang pumipili ng mga lider ng bayan na responsable sa pangangalaga sa mga karapatan ng mga mamamayan nito. Katunyan, sila ang pinakamakapangyarihan pagdating sa pagpili at pagtatalaga ng mga lider ng bansa.
  • Ang pamilya ang humuhubog sa mga kabataan na sinasabing pag asa ng bayan sapagkat sila ang mga susunod na henerasyon na maaari ring maging lider ng bayan sa hinaharap.
  • Ang pamilya ang katunayan ng kahusayan ng pamamalakad ng pamahalaan. Sapagkat kung ang bawat pamilya ay may sapat na pagkain at namumuhay ng matiwasay sila ay tiyak na pinamumunuan ng mga mabubuting lider.
  • Ang pamilya ang bantay ng bayan. Ang lahat ng mga nagaganap sa bayan at mga ginagawa ng mga namumuno sa bayan ay tinitimbang ng bawat pamilya upang alamin kung sila ba ay dapat pang manatili sa posisyon sa pamahalaan o dapat ng palitan ng mas karapat dapat.
  • Ang pamilya ang sandigan ng bayan. Ang sinuman na naglalayong gumawa ng mga masasama laban sa kapwa ay dapat lamang na isuplong sa mga may kapangyarihan upang matigil ang mga masasamang gawain na may kinalaman sa droga, pananalapi ng bayan, at korupsyon upang mapabuti ang kapakanan ng bayan.
  • Ang pamilya ang mga karaniwang manggagawa na nagtataguyod at nangangalaga sa mga likas na yaman ng bansa. Ang bawat manggagawa ay maaaring isang ama o isang ina na siya ring tagpagtaguyod ng kani kanilang pamilya.

Upang mas maunawaan ang layunin ng pamilya sa lipunan, sumangguni sa mga sumusunod na links:

https://brainly.ph/question/592897

https://brainly.ph/question/31119

https://brainly.ph/question/581031