5 pangungusap na ginagamitan ng pang-abay na pamanahon



Sagot :

Pang - abay na Pamanahon:

          Ang pang - abay na pamanahon ay uri ng pang - abay na nagsasaad kung kailan ang kilos na taglay ng pandiwa ay naganap o magaganap.

3 Uri:

  • may pananda
  • walang pananda
  • nagsasaad ng dalas

Ang pang - abay na pamanahon na may pananda ay gumagamit ng mga katagang buhat, hanggang, kapag, kung, mula, nang, noon, sa, tuwing, at umpisa.

Ang pang - abay na pamanahon na walang pananda ay gumagamit ng mga katagang bukas, kahapon, kanina, mamaya, ngayon, at sandali.

Ang pang - abay na nagsasaad ng dalas ay gumagamit ng mga katagang araw - araw, taun - taon, at tuwing umaga.

5 Pangungusap na Ginagamitan ng Pang - abay na Pamanahon:

  1. Tuwing umaga ay nag - iigib sila ng tubig sa balon upang merong magamit sa maghapon.
  2. "Mula ngayon dito ka na sa amin maninirahan at sa silid ni Lorie ka rin matutulog."
  3. "Manonood kami ng sine bukas ng hapon pagkagaling ni tatay sa trabaho."
  4. "Araw - araw akong umaasa sa pagbabalik mo hanggang sa mabalitaan ko na lang na nakulong ka pala dahil sa pagtatanggol sa sarili mo."
  5. Taun - taon ay nagkakaroon ng paliga si kapitan upang mabaling ang atensyon ng mga kabataan sa isports at malayo sa mga ipinagbabawal na gamot.

Upang matuto ng higit pa ukol sa mga pang - abay na pamanahon, basahin ang mga sumusunod na links:

https://brainly.ph/question/22893

https://brainly.ph/question/77332

https://brainly.ph/question/35456