Sagot :
Answer:
Ano ang kahulugan ng malilirip?
Ang malilirip ay binubuo ng unlapi at salitang ugat na lirip. Ang kahulugan ng salitang malilirip ay ang mga sumusunod:
- maiisip
- maninilay-nilay
- mamumuni-muni
- makukuro-kuro
Ang salitang malilirip ay tumutukoy sa malalim na pag-iisip, pagninilay-nilay, pagmumuni-muni o pagkukuro-kuro upang malaman o matuklasan ang katotohanan o halaga ng isang bagay o pangyayari.
Ibang Anyo ng Salitang Malilirip
ipalirip, liripin, lumirip, maglirip
Mga Halimbawang Pangungusap
Saklaw ng kwento ang malirip na kaisipan tungkol sa pamilya.
Liripin mo kung tama ba ang iyong magiging desisyon.
Para sa iba pang malalalim na salita at kahulugan nito, alamin sa link:
https://brainly.ph/question/2752020
#LetsStudy