Ang kahulugan ng dinastiya ay ito ang pagkakasunud-sunod ng mga pinunong nasa kapangyarihan mula sa iisang angkan o pamilya. Ang dinastiya ay nangyayari sa loob ng mahabang panahon. Kaugnay nito, ang karagdagang detalye tungkol sa kahulugan ng dinastiya ay narito.
I. Ano ang kahulugan ng dinastiya?
- Ang dinastiya ay ang pagkakaroon ng isang lugar ng sunud-sunod na pinunong nasa kapangyarihan mula sa iisang angkan o pamilya.
- Ito ay ang pananatili ng iisang angkan ng kapangyarihan at posisyon sa loob ng mahabang panahon.
- Ito ay ang pamamahala ng isang lugar kung saan ang mga pinunong nakaupo rito ay nagmula sa iisang pamilya o angkan.
II. Ano ang halimbawa ng mga dinastiya?
Ang halimbawa ng mga dinastiya ay ang mga sumusunod:
- Dinastiyang Chin ng Tsina (221 - 206 BC) - isa sa mga malaking ambag ay ang pagpapatayo ng kilalang Great Wall of China (ni Shih Huang Ti)
- Dinastiyang Ming ng Tsina (1368 - 1644) - isa sa mga malaking ambag ay ang pagpapatayo ng mga palasyo tulad ng Forbidden City (ni Chu Yuang Chang)
Iyan ang ilang impormasyon tungkol sa kahulugan ng dinastiya. Narito ang iba pang mga links tungkol sa nasabing paksa.
- Ano ang kahulugan ng dinastiya: https://brainly.ph/question/504648 at https://brainly.ph/question/1942289
- Iba pang detalye tungkol sa Chin dynasty: https://brainly.ph/question/799876