paano namuhay ang mga sinaunang tao noon....???

Sagot :

nanghuhuli sila ng isda sa dagat. naninirahan sila sa gubat upang mamuhay. ung ibang hayop doon ay kinukuha nila at kinakatay pra makain. 
Nagkaroon ng maraming pagbabago sa kanilang pamumuhay. Ang mga nakatira sa kapatagan at malapit sa bundok ay lumipat sa mga baybayin. Sa mga baybayin, karaniwang nagaganap ang kalakalan. Ipinagpapalit ng mga mangingisda ang mga pagkaing-dagat sa mga produktong inaani sa mga bundok,gubat, at kapatagan. Ang palitan ng mga produkto ng mga sinaunang Pilipino ay tinatawag na barter. Ang pangunahing ikinabubuhay ng mga sinaunang Pilipino ang pangingisda at pagsasaka. Ang pagsasaka ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagkakaingin.