Panuto: Basahin at unawain ang pangungusap. Tukuyin kung anong pahayag o salita ang ginamit sa pagpapahayag ng pangyayari o damdamin.
1. Noong bata pa ako, palagi akong isinasama ng aking lola na magsimba sa Quiapo
2. Nasasabik ako kapag Enero sapagkat lumuluwas kami ng Maynila upang magsimba.
3. Maraming tao ang nagagalak sa pagpaparangal sa Poon.
4. Pagkatapos magsimba, diretso kaming kakain sa Ma Mon Luk, isang sikat na tindahan ng Mami at Siopao sa Maynila.
5.Nakakalungkot lamang na magmula noong mawala ang lola, hindi na naming ito nagagawa lalo pa at may banta ng pandemya.