1. Ang Rome ay nagsimula sa llog Tiber. Ano ang katangiang pisikal nito na mahalaga sa pag-unlad ng Rome?
A. Istratehikong maituturing ang lokasyon ng Rome.
B. Mayroong masaganang kapatagan na kayang suportahan ang malaking populasyon.
C. Ang Italy ay binubuo ng maraming kabundukan at ilang kapatagan
D. Madaling makipagkalakalan sa mga karatig bansa.

2. Ano ang pangunahing dahilan ng pag-usbong ng Rome bilang pinaka makapangyarihan sa Mediterrenean?
A. Nakatulong ang maunlad na aspetong pang-ekonomiya kung ikukumpara sa mga karatig-lugar.
B. Natalo at nasakop ng Rome ang malalakas na kabihasnan sa Mediterrenean.
C. Naipagpatuloy ng Rome ang kalakasan ng kulturang Greece.
D. Ang llog Tiber ay dumadaloy sa kapatagang nito.

3. Ang Forum ay itinuturing na sentro ng lungsod sa Rome. Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian nito?
A. May mga pampublikong paliguan.
B. May mga pamilihan.
C. Tagpuan ng mga negosyante at mangangalakal
D. Dito tumawid si Julius Caesar at ang kanyang hukbo

4. Ang Twelve Tables ay itinuturing na mahalaga upang mapanatili ang kapayapaan sa Rome. Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian nito?
A. Walang tinatanging lahi ang batas na ito.
B. Ito ay nagsisilbing batayan o sukatan ng parusa na kaakibat ng isang krimen.
C. Palabunutan ang pagpili ng pinuno
D. Nakasaad din dito ang mga karapatan ng mga mamamayan at pamamaraan ayon sa batas

5. Niluklok ni Julius Caesar ang kanyang sarili bilang diktador. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa kanyang mga agad na ipinatupad.
A. Binawasan ang kapangyarihan ng Senado ngunit dinagdagan ang bilang ng ng mga senador mula 600 patungo 900.
B. Nag-utos ng pagkubkob sa ilang kalapit na lungsod nito
C. Nagpataw ng mas malaking buwis.
D. Gumawa ng mga karagdagang batas para sa kanyang interes.​