Gawain 1 Panuto: Basahin ang sumusunod na pahayag at tukuyin kung ito ay nagpapakita ng paggalang sa suhestiyon o damdamin ng kapuwa. Lagyan ng tsek ( / )ang patlang kung tama at ekis (X) kung mali. ______1. “Ano ba ‘yan? Dapat ako na lang ang gumawa ng ating project para siguradong maganda.” ______2. “ Rosanna, huwag ka nang magbigay ng suhestiyon, hindi naman maganda ang mga ideya mo. “ sabi ni Adela. ______3. “ Huwag kayong mahiyang magbigay ng suhestiyon . Tandaan n’yo na ang mga suhestiyon ay puwedeng pagkunan ng ideya para sa ikagaganda ng isang gawain.” pahayag ni Gng. Dela Cruz sa mga mag-aaral. ______4. “ Suhestiyon ko lang ang dapat masunod kasi ako ang lider sa grupo.” maangas na sabi ni Cesar sa kanyang mga kasama. ______5. “ Mga kasama, ang inyong suhestiyon ay kailangan natin upang magawan natin ng angkop na solusyon ang gagawin nating pagtatanghal sa susunod ng Linggo. “ ani Ruth sa mga kaeskwela. Gawain 2 Panuto: Basahin ang mga sitwasyon. Iguhit ang masayang mukha sa patlang kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pagiging responsable sa kapuwa sa pamamagitan ng pagtupad sa pangako at malungkot na mukha kung hindi. ______6. Tinutupad ni Rosie ang pangako sa kanyang nakababatang kapatid na lagi itong tulungan sa kanyang mga takdang-aralin. ______7. Hindi ko pinuntahan ang aking kaibigan sa aming napagkasunduang pagkikita dahil tinamad ako. ______8. Nangangako ako lagi sa aking mga magulang na pagbubutihin ko ang aking pag-aaral pero pinagsasawalang bahala ko lamang ito dahil mas gusto ko ang maglaro. ______9. Nanghiram ng aklat si Jonna sa kanyang kaklase at nangakong isasauli ito kinabukasan . Tinupad ni Jonna ang pangako. _____10. Ginagawa ni Alex ang lahat ng kanyang makakaya upang matupad ang anumang ipinangako niya sa kanyang mga pinangakuan

need ko answer now
nonsense answer=report
correct answer= brainliess and heart and star​