I. Panuto: Guhitan ang mga halimbawa ng ekspresyon na magagamit sa pagbibigay ng tamang reaksyon sa mga pangungusap na nasa ibaba.
1. Nauunawaan ko at sumasang-ayon ako sa iyong sinabi.
2. Paumanhin ngunit hindi ako sumasang-ayon sa ating napag-usapan.
3. Kung ako ang tatanungin ay mas mainam kung ang lahat ay magtutulong-tulong.
4. Kung hindi ako nagkakamali ay ang ating guro ang nakita ko sa harap ng paaralan.
5. Sa aking palagay ay mas mabuti kung lagi tayong nagpapasa ng modyul sa tamang araw.