ano ang pagkakaiba ng tanaka at haiku

Sagot :

Kasagutan:

Tanka

Ang tula na Tanka ay tumutukoy sa isang Japanese na tula na may 31-pantig. Ang salitang "tanka" ay "maikling kanta" ang kahulugan kapag isinalin. Katulad sa tula ng haiku ay gumagamit din ito ng pagtatao, pagtutulad at pagmamalabis.

Haiku

Ang tulang Haiku, ay may 17 na pantig na inayos sa tatlong linya ng 5, 7, at 5 pantig. Ang haiku ay unang umusbong sa panitikan ng mga Hapon noong ika-17 siglo ngunit mas nakilala noong ika-19 na siglo.

Ang Haiku ay naging tanyag bilang mga tula sa Japan noong ika-9 at ika-12 siglo. Sa una, tinawag itong "hokku" at sina Basho, Buson, at Issa ang unang tatlong dalubhasa sa paggawa ng haiku.