alin sa mga programang inilunsad sa ilalim ng pamahalaang komonwelt ang pinakagusto mo at bakit​

Sagot :

Sagot:

Pambansang Wika

Bakit?

Mula sa mga programang inilunsad sa ilalim ng pamahalaang Komonwelt ang Pagtatatag ng Pambansang Wika, kung saan nagbibigay daan ito sa pagkakaisa ng mga mamamayan at para umunlad ang iba't ibang aspeto ng Pilipinas. Mahalaga lamang na bigyang halaga ang ating wika dahil itinuturing ito bilang kaluluwa ng isang bansa.

Kasaysayan ng Pambansang Wika

Noong Nobyembre 13, 1936, pinagtibay ng Batasang-Pambansa ang Batas Komonwelt Blg. 184 na lumilikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa, at itinakda ang mga kapangyarihan at tungkulin niyon. Noong Enero 12, 1937 naman, hinirang ng Pangulong Manuel L. Quezon ang mga kagawad na bubuo ng Surian ng Wikang Pambansa alinsunod sa tadhana ng Seksiyon 1, Batas Komonwelt Blg. 184, sa pagkakasusog ng Batas Komonwelt Blg. 333.

At noong Disyembre 30, 1937, inilabas ng Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nagsasabing ang wikang pambansa ng Pilipinas ay batay sa Tagalog. Tagalog ang ginawang saligan ng Wikang Pambansa sa dahilang ito’y nahahawig sa maraming wikain sa bansa.