Sagot :
Ako po ay tutulong naumunlad ang ming lupa at tataniman ng gulay at mga prutas at aalagaan kopo ang aking tirahan dahil mas lalong lumago ang aking lupa,at kung may lupain ako aalagaan ko ito at ipapalago para sa aking kinabukasan.
@carryonlearnin
Answer:
Upang ating mapangalagaan ang ating Anyong lupa at tubig ay kailangan muna nating malaman o maintindihan ang ating pinapahalagahan at papahalagahan.
1. Ang anyong lupa at tubig ay halimbawa ng ating mga Kabundukan,kapatagan,ilog,dagat at iba pa..
Upang ating mapangalagaan ang mga ito kailangan ay ipag bawala ang pag tatapon ng mga basura sa mga ilog at kung saan. at dapat ay itapon ito sa tamang lugar o basurahan. Pag papatayo ng water treatment plan upang linisin ang maruruming tubig mula sa mga pagawaan,alagaan ng hayop,tahanan at taniman. Kailangan din nating magtanim ng mga puno sa ating kagubatan upang mapigil ang biglang pag daloy ng tubig mula sa kabundukan. Upang hindi masaira ang mga tanim sa kapatagan kailangan ay maiwasan ang pag gamit ng mga kemikal sa mga pananim. Kailangan ding maiwasan ang pag papatayo ng iba’t ibang pabrika na malapit sa ilog at dagat.
Ang Department of Environment and Natural Resources o DENR ay ang pangunahing nangangalaga ng ating likas na yaman sa ating bansa, na nanggagaling mismo sa ating anyong lupa at tubig. Ang pangangalaga sa mga pinagkukun natin ng ating likas na yaman ay nararapat na bigyang pansin upang maari pa itong mapakinabangan ng mga susunod na henerasyon.
Ang pangangalaga sa ating topograpiya ay hindi lang para sa ating yamang pinagkukunan ito rin ay maaaring makaapekto sa ating kalusugan maaari tayong makaranas ng iba’t ibang uri ng sakit kung ang ating anyong tubig ay sobra na sa dumi tulad ng Ilog at dagat. Mahalaga na ating pangalagaan ang ating anyong lupa at tubig dahil lubos na malaki ang magiging epekto nito sa mga tao at pangyayaring nagaganap sa kasaysayan
Explanation: