Limang daang papaurong, alamin mo Mang Pablito. Nang dumami'ng kasangkapan, kung tawagin ay modern Iyang bomba, atomika, ang tangke at eroplano. Ay isang kisap-mata, pinupuksa'y milyong tao. Ma sibilyan man o hindi pati bahay na konkreto, Tiyakin ding masisirat mawawasak na totoo Mabuti pa noong una, tanungin ang kahit sino. Magkubli lang sa sagingan, ligtas ka na sa peligro Pablo:
Halimbawa ay sa puso, iyong karamdaman Ay agad ding magagamot sa maraming pagamutan Pati buwan ay narrating nang sumulong itong agham. May tulay na nayayaring patawid sa karagatan Radyo, TV, mga bapor na tanda ng kaunlaran, Ang sasakya'y ubod dami, araw-araw ay naglisaw. Ngayo'y napakadaling maglakbay sa ibang bayan. Mag almusal sa Maynila, sa Cebu ang tanghalian Ofelia: Sa Cebu ang tanghalian, kung hindi ka mapahamak, Dahilan sa eroplano y dumami ang sawimpalad. At si Pangulong Magsaysay, ang saksi kong maliwanag. Sa pagsulong ng agham mo, pati buhay nawakawak. Pablo: Nawawakawak ang bansa, 'pag ang agham ay umurong. Bayan tayong aping-api at malayo sa pagsulong At sa lakas nitong agham, pati mina'y natutunton, Iyang ginto't mga langis, sa pagdami ay patuloy Mula sa Balagtasan ni Pablo Reyna Libiran Agham at Teknolohiya ang tugon sa pag-unlad ng bansa
MGA MAKABULUHANG TANONG 1. Tanong na ang sagot ay "00" o "HINDI" 2. Tanong na ang sagot ay may DALAWANG PAGPIPILIAN 3. Tanong tungkol sa mga TAO, BAGAY LUNAN O PANGYAYARI 4.tanong na bakit 5.tanong na pagtitimbang 6.tanong na humihingi ng palagay
Ang Panahon ay umuunlad na dahil sa mga teknolohiya na ating nalalanghap ngayon Pro nakakasira ng kalikasan at isipan ng tao dahil sa teknolohiya at pag-unlad nawawasak ang dignidad ng isang tao para sa pa sailing kapakanan