ano ang magandang nagawa o naitulong ng DOLE​

Sagot :

Answer:

Mas pinalakas pa ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga hakbangin nito upang matulungan ang mga manggagawa sa informal sector na maging bahagi ng formal economy.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III sa ginanap na pagdiriwang ng Informal Sector Labor Day sa Cebu City, hindi tumitigil ang gobyerno upang mailipat ang mga manggagawa sa panibagong kondisyon ng trabaho sa pormal na ekonomiya.

“Ang mga manggagawa sa informal sector ay mahalaga sa komunidad dahil malaki ang kanilang naiaambag sa ekonomiya ng buong bansa. Hindi lamang aniya sila lubusang nasasakop ng mga polisiya sa paggawa tulad ng occupational safety and health, at social protection,” wika ni Bello.

Sa Pilipinas, malaking bahagi ng labor force ng bansa ang binubuo ng mga nasa informal sector na tinatayang aabot sa 15 milyong manggagawa na pawang mga self-employed at tinatawag na ‘unpaid family workers.’

Sa tulong ng batas upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga manggagawa, ang DOLE katuwang ang mga social partner ay patuloy na pinalalakas ang pagpapatupad ng mga tulong pangkabuhayan, pagbibigay ng trabaho, at maging ang pagbabalangkas ng mga hakbangin upang matugunan ang pinagmulan ng pagpasok ng mga manggagawa sa informal sector