Tukuyin ang uri ng tugmaang katinig mayroon ang mga sumusunod na taludtod mula sa iba’t ibang tula. Isulat lamang sa kahon ang bilang 1 kung unang lipon at 2 kung ikalawang lipon.
1. Hindi pansin ang paglipas ng oras Laging nasa isip ang paggawa nang tapat
2. Para sa hinaharap ako’y magsusumikap Nang ako ay walang pagsisihan bukas
3. Hindi natatakot kahit na sa init at lamig Sa buong maghapon gumagawang pilit
4. Ang laki sa layaw karaniwang hubad Sa bait at yumi, sa hatol ay salat
5.Ang bata kong puso’y laging naaakit Ng magandang bagay sa paligid
6. Sapo ang noo ng kaliwang kamay Ni hindi matingnan ang sikat ng araw
7. Umalis ako’t sayo’y ‘di nagpaalam Umaasang ako’y ‘di na muling maliligaw
8. Alagang hayop sa bahay at bukid, malaki ang pakinabang Maging mga hayop na ligaw ay itinuturing na yaman
9. Sabi sa akin ng aking mga magulang Tumulong lagi sa anumang paraan
10. Parang diwa ng makata kung mayroong sumisikat Humahantong sa palasyong lundu-lundong mga ulap
11. Malungkot balikan ang taong lumipas Nang siya sa sinta ay kinapos-palad
12. Taghoy ng makata sa kanyang tulain Timyas sa pighati na ‘di magmamaliw
13. Ang salpok ng mga alo’y sa talampas nababasag At sa hangi’y sumama sa rurok ng alapaap
14. Ang haring araw ‘di pa sumisikat Ako’y pupunta na sa bukiring napakalawak
15. Kung ang bayang ito’y mapasapanganib At siya ay dapat na ipagtangkilik