nakakaroon Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: Basahin ang mga sitwasyon. Piliin ang titik ng tamang sagot. Gawin ito sa iyong sagutang papel. 1. Ito ay tumutukoy sa sinabi, ginawa, o anumang bagay na hindi pinananagutan o walang pagsasaalang-alang sa kapwa. A. Matapat B. Responsable C. Iresponsable D. Pagsisinungaling 2. Ito ay tumutukoy sa lahat ng tao sa paligid. A. Kapuwa C. Kapitbahay B. Kaibigan D. Pamayanan 3. Ito ay pahayag na tumitiyak sa pagtupad o hindi pagtupad sa isang bagay. Ito rin ay tumutukoy sa anomang ginagamit bilang garantiya. A. Kilos C. Pangako B. Sumpa D. Katapatan 4. Sa mga pagkakataon na ikaw ay hindi nakakatupad sa isang kasunduan o sa iyong mga ipinangako, ano ang dapat mong gawin? A. Huwag na lamang ito pag-usapan at hayaan na ito ay makalimutan ng taong iyong pinangakuan. B. Iwasan ang taong pinangakuan upang makaiwas sa pagtatalo o paninisi na hindi kinakailangan. C. Humingi ng paumanhin at ipaliwanag ang dahilan kung bakit hindi ka nakatupad sa pangako o kasunduan. D. Hintayin na lumapit o komprontahin ka ng taong iyong pinangakuan upang malaman kung masama ba ang o hindi. 5. May kasabihan na pagdating sa pangako, "huwag mong yakapin ang puno kung alam mong hindi mag-aabot ang iyong mga kamay". Ano ang ibig sabihin nito? A. Ang pangako ay palaging may kaakibat na pananagutan. B. Huwag kang magbibitaw ng pangakong hindi mo kayang tuparin. C. Simple o mahirap man ang iyong binitiwang pangako ay dapat mo itong tuparin. D. Kailanman ay huwag kang mangangako up [tex]1c \\ 2a \\ 3c \\ [/tex] ang ikaw ay makaiwas "Ya sa i