Sagot :
Answer:
Dinastiyang Shang
Explanation:
Ayon sa tradisyonal na kronolohiya na batay sa mga kalkulasyon na ginawa noong humigit-kumulang 2,000 taon na ang nakakaraan ni Liu Xin, ang Shang ay namahala mula 1766 hanggang 1122 BK, ngunit ayon sa mga kronolohiya batay sa mga "kasalukuyang teksto" ng Mga Salaysay sa Kawayan, sila ay namahala mula 1556 hanggang 1046 BK. Pinetsahan sila ng Kronolohiyang Proyektong Xia–Shang–Zhou mula sa c. 1600 hanggang 1046 BK
Ang Dinastiyang Shang ay palatandaan ng pagdating ng Bronze Age. Gumitaw sa Tsina ang kulturang bronse bago ang 3,000 BC at umabot ito sa kasukdulan noong ika-13 siglo BC. Ang mga bagay na yari sa bronse ay hindi lamang nakaapekto sa pang-arawaraw na pamumuhay ng mga tao kundi gayun din sa armas ng estado.
Ang mga mamamayang Shang ay nagkamit pa ng kahanga-hangang progreso sa medisina at astronomiya; ang halimbawa ay lunar calendar.