Answer:
Ang papel ay isang manipis na materyal na pangunahing ginagamit para sa pagsusulat, paglilimbag at pagbabalot. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagdiin ng sama-sama ang basang mga hibla, karaniwang selulusa na hinango mula sa kahoy, trapo o damo, at tinutuyo upang maging mga pirasong nababanat.
Explanation:
Sa Ehipto noong 3500 BC ang unang natalang may anyong papel na yari sa halamang papirus. Pinapaniwalang nagmula sa Tsina ang totoong papel noong mga ikalawang siglo AD, bagaman may mga ilang ebidensiya na nagsasabing ginagamit ang mga ito bago pa ang nasabing panahon.