ito ang layunin ng mga dayuhan lalo na sa mga espanyol sa kanilang pananakop sa ating bansa. Dito naipapaliwanag ang bawat dahilan sa kanilang pananakop at ang epekto nito sa lipunan at hanggang ngayon ang lalong lumala ito. Sa nakikita at nababasa mo na mga iba’t ibang pahayagan o sa social media ang tungkol sa pamamahala ng mga opisyal sa ating bansa kung paano nila tinugunan ang mga pangangailangan sa ating mga mamamayan. Marami na ring mga problema ang hinaharap sa ating bansa at mas lalo ito lumala. Nasaksihan mo din na maraming mga opisyal ang hindi magkakasundo o magkasang-ayon sa mga pananaw o hangarin nila para sa taong bayan at ang ugnayan ng mga awtoridad sa simbahan. Para sa’yo palagi nalang sila nag mamagaling sa kanilang abilidad pero wala ito sa kilos. Maraming mga tao ang nahihirapan sa kanilang ginagawa at higit sa lalo tayo ang naapektuhan sa kanilang maling pamamaraan o pamamahala sa bayan.
TANONG
1. Kung ikaw ay isang tagapagsalita o isang manunulat, paano mo maiparating sa mga namamahala sa gobyerno o sa taong bayan ang iyong hangarin o obserbasyon sa kalagayan ng ating mga mamamayan Pilipino ngayon na lalong na aapektuhan sa maling pamamalakad? Paano mo maibabahagi ang iyong hinaing sa mga awtoridad ng simbahan at pamahalaan na sana ang mga problemang nararanasan sa bayan ay matugunan o mabigyang solusyon?
Ang aking isusulat ay ang dapat pag kakasundo ng bawat isa at dapat dinggin ang isang opinyon at bigyang pansin ito at dapat laging magsangayunan upang hindi mag kagulo ang lahat at dapat laging mag kaisa at magtulungan