1. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa Demand?

A. Proseso sa paglikha ng mga produkto

B. Produktong handang ipagbili ng supplier sa ibat ibang presyo.

C. Dami ng produkto at serbisyong nais at kayang bilhin ng mamimili sa ibat ibang presyo sa isang takdang panahon

D. Mga serbisyo at produkto kagustuhan lamang ng mamimili



2. Anong konsepto ang nagpapalagay na ang presyo lamang ang nakakaapekto sa pagbabago ng quantity demanded , habang ang ibang salik ay hindi nagbabago?

A. Ceteris Paribus

B. Demand function

C. Demand schedule

D. Demand curve.



3. Ito ay ang talaan na nagpapakita ng inverse o di-tuwiran na ugnayan ng presyo at quantity demanded

A. Quantity demand

B. Demand Curve

C. Demand Function

D. Demand Schedule



4. Aling sitwasyon sa sumusunod ang nagpapakita ng “kita bilang salik na nakakaapekto sa demand”?

A. Dumarami ang bumibili ng produkto dahil sa pag-endorso nito ng sikat na personalidad

B. Dahil sa pandemayng naranasan ay napabili agad ang mga konsyumer ng kanilang pangunahing pangangailangan.

C. Dahil sa imported ang sapatos ay naisipan ni Relyn na bilhin ito.

D. Dahil sa pagtaas ng sahod ni Marites ay mas lalong dumami ang kanyang pagbili ng groceries at nagdagdag ng mga gadgets para sa kanyang mga anak.

5. Dahil sa pandemya na ating nararanasan ay nagdulot ito ng panic buying. Aling salik ang nakakaapekto sa demand?

A. Panlasa

B. Inaasahan ng mamimili sa presyo ng hinaharap

C. Presyo ng magkakaugnay na produkto

D. Dami ng mamimili