Sagot :
Answer:
Ang mga Ifugao ay may sariling mga paniniwala. Sila ay mayroong mga ritwal at mga panalanging kung tawagin nila ay baki. Lubos ang kanilang paniniwala sa mga diyos at diyosa, mga espiritu, aswang, demonyo at iba pa. Ang mga paniniwalang ito ay bunsod sa kanilang mga ninuno'ng nagturo sa kanila ukol sa mga bagay-bagay na ito. Kahit naniniwala sila sa mga ito, hindi naman nila sinasamba ang mga ito sa paniniwalang ang Mah-nongan ang siyang naglikha ng sanlibutan at lahat ng binubuo nito. Ang mga Ifugao ay naniniwala ring mayroong anim na rehiyong bumubuo ng sanlibutan: apat na rehiyon sa itaas ng mundo, isa sa ating mundo at ang pang-anim ay ang rehiyong nasa ilalim nito. Si Mah-nongan ang kinikilala nilang naglikha ng lahat. Mayroon ding mga diyos na ayon sa kanilang paniniwala ay kumakalaban sa kanilang diyos, sila ay sina Liddum, Punholdayan, Hinumbian, Ampual, Wigan, at Yogyog. Sila umano ang dahilan ng mga kahirapan at mga sakit ng Ifugao. Ang mga
paniniwalang ito na may kasamang pag-aalay ng hayop at inumin ay mga "suhol" sa mga diyos at diyosa upang sila ay bigyang pabor sa kani-kanilang pamumuhay.