Panuto: Punan ng wastong pangatnig ang mga sumusunod na ng mga pahayag. Piliin sa loob kahon ang inyong sagot.
MGA PAGPIPILIAN
ngunit
dahil sa
kahit
para
kung
sapagkat
nang
at
kapag
o

1. Nagising ang lahat ______ may sumabog na tangke.

2. Makakapasok na si Pedro _____ wala na siyang sakit.

3. ______ nakapasa ako sa pagsusulit, matutuwa ang aking ama.

4. Ako ba _______ siya ang magwawagi mamaya?

5. Kami ay nawalan ng tirahan ______ pandemya.

6. Magiging masaya pa rin ang aking Pasko ______ wala ka.

7. Sikat na awitin ang kanilang kinanta ______ sinayaw.

8. Itinigil ang kasiyahan _____ hindi na magalit ang kapitbahay.

9. Nagpaliwanag si Leo _____ hindi siya pinakinggan.

10. Papayagan si Nelly ng kanyang ama na maglaro ______ natapos na niyang sagutan ang kanyang takdang-aralin.​