II. ano Suriin ang sarili at isulat kung paano mo tutugunan ang mga pangangailangan ng iyong kapwa sa mga sumusunod na sitwasyon. 1. Nasalanta ng bagyong Rolly ang tirahan ng iyong kaibigan. Gusto mo sanang makatulong, paano mo ito gagawin? 2. Nasaksihan mo na ninanakawan ang iyong kapitbahay. Bilang isang indibiduwal, paano ka makatutulong sa ganitong sitwasyon? 3. Nagsasagot ng modyul ang iyong nakababatang kapatid, ngunit napansin mo na hindi niya naiintindihan ang aralin, kaya siya ay nahihirapan. Bilang Bilang nakatatandang kapatid, ang iyong maitutulong? 4. Nadaan ka sa inyong barangay at nasaksihan ang pag-aaway ng dalawang grupo ng mga kabataan dahil hindi magkasundo sa paggamit ng gym, ang isang grupo ay gustong maglaro ng basketbol at ang isa ay gustong magpraktis ng sayaw. Bilang kabataan na tulad nila, ano iyong nararapat na gawin? 5. Napansin mong pinagkakatuwaan ng mga bata ang isang matanda, binabato nila ito at kinukutya. Ano ang iyong gagawin?