Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Basahin at unawain ang mga sumusunod na sitwasyon. Isulat sa iyong sagutang papel ang iyong mga kasagutan sa mga tanong sa bawat talata. 1. Inanunsiyo ng PAG-ASA na may paparating na isang malakas na bagyo Habang nakatutok sa pakikinig sa radyo ay inihanda ng batang si Joy ang lahat ng mga kakailanganin tulad ng emergency kit Matapos manalasa ng bagyo ay malaki ang iniwang pinsala nito pero mapalad ang pamilya niya sapagkat walang nasaktan at walang nasira sa kanilang tahanan. Ngunit ang bahay ng kaibigan niyang si Nica ay nasira at wala siyang matuluyan. Kung ikaw si Joy, anong gagawin mo? 2. Nasunog ang bahay ni Elia Vyonne at walang nasalba sa kanilang mga gamit. Pansarnantala silang tumuloy sa isang shelter ng lokal na pamahalaan. Kung si Elia Vyonne ay kaibigan mo, ano ang maaari mong maitulong sa kaniya? 3. Ayon sa PHIVOLCS, isang malakas na lindol ang tumama sa lugar nila Cecilia. Kung kaya't pinapalikas ang lahat ng tao dahil inaasahan na masusundan ito ng aftershock at posibleng magka-tsunami dahil sila ay nása baybaying dagat. Ngunit sa kabila nito ay alam niya na walang radyo at telebisyon ang kapitbahay niyang si Angel. Kung ikaw si Cecilia, anong gagawin mo? 4. Dahil sa tagal ng lockdown dulot ng pandemya, nawalan ng hanapbuhay at naubos ang perang ipon ng magulang ni Niño na pantustos sana sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. Kung ikaw ay kaibigan ni Niño, ano ang maaari mong gawin para siya ay matulungan? 5. Sa tuloy-tuloy na pag-ulan, ang bahay ng magkakapatid na Reniel at Ricki na kapitbahay ni Althea ay inaabot ng baha. Nakita ni Althea kung gaano kakapal at karami ang putik na iniwanan ng baha sa bahay nila. Nagsimula na ang magkakapatid na maglinis. Kung ikaw si Althea, ano ang gagawin mo?