Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Tukuyin kung ang mga nakasaad sa kahon ay Katangian, Gamit o Tunguhin ng isip at kilos-loob. Isulat ang letra ng sagot sa talahanayang katulad ng nasa ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
A. Naipaliliwanag ni Hazel ang mga natuklasang kaalaman batay sa kaniyang pag-aaral
B. Tiniyak muna ni Jay na totoo ang nabasang artikulo mula sa pahayagan sa pamamagitan ng patuloy na pagbabasa ng mga balita patungkol dito.
C. Sa kabila ng mga ginagawang pagkakamali ng anak ni Gerry, pilit niya pa rin itong inuunawa at umaasa siya sa positibong kahihinatnan nito.
D. Matapos malaman ang katotohanan, nagpasya ang tatay ni Grace na itigil muna pansamantala ang kanilang negosyo.
E. Patuloy na nag-aaral ang mga eksperto upang matuklasan ang katotohanan patungkol sa COVID-19.
F. Alam ni Lea ang kahihinatnan ng kaniyang ginawa kaya't hindi siya nangangamba.
G. Lubos na nauunawaan ni Karen ang turo ng Banal na Kasulatan kaya ito ay kaniyang isinasagawa.
H Mas pinili ni Rea na sumunod sa kaniyang magulang sapagkat ito ang makabubuti para sa kaniya.
I. Kahit na madalas ay inaaway si Len ng kaniyang kapitbahay ay hindi ito gumaganti o nagtatanim ng sama ng loob.
J. Mahilig magbasa ng libro si Perry sapagkat ito ay nakatutulong sa pagtuklas ng katotohanan.
KATANGIAN
GAMIT
TANGUHIN
PA SAGOT PO PLSS KAYLANGAN KO PO TLAGA NGAYUN BRAINLIEST KO PO MAAYOS NA SAGOT PA SAGOT LANG PO TLAGA BUKAS NA PO KASI PASAHAN NAMIN