Tatlong Bahagi ng Akdang Tuluyan Simula - tinatawag din itong introduksyon. Sa bahaging ito ilalahad ang paksang nais talakayin, kung ano ang aasahan at maaaring matutunan ng mga mambabasa mula sa katha. Dito ay maaaring gumamit ng mga kawili-wiling pahayag upang mapukaw ang interes ng mga mambabasa. Gitna - ang bahaging ito ang katawan ng katha. Ito ay naglalaman ng pamaksang pangungusap na magbibigay-diin sa punto na gusto mong iparating sa mga mambabasa at mga suportang pahayag na magbibigay-katwiran dito. Wakas - sa bahaging ito ilalahad ang konklusyon ng katha. Ito ay maaring tapusin ng may pagbubuod o paglalahad sa mahahalagang ara, at mensahe ng katha. Gawain: Sumulat ng katha tungkol sa paksang nasa kahon. Ang katha ay dapat may tatlong (3) talata. Bawat talata ay bubuuin ng tatlo (3) hanggang limang (5) pangungusap. Sundin ang mga gabay sa pagsulat ng maayos na akda at ang tatlong bahagi ng kathang tuluyan. Mabuting katangian na Dapat Taglayin ng isang Mag-aaral​