Sagot :
Answer:
Ano Ang salitang komunidad?
Ang salitang komunidad ay galing sa salitang Latin na communis na nangangahulugang common o nagkakapareho. Ang isang komunidad ay binubuo ng mga indibidwal na nagkakapareho ng mga interes, ugali o pagpapahalagang bahagi ng isang partikular na lugar. Sa isang komunidad, mas nabibigyang-halaga ang natatanging katangian ng mga kasapi o kabahagi. Ang bawat indibidwal ay mayroong kani- kanyang mga layunin o tunguhin sa buhay.
Mas magiging madali ang pag-unawa nito gamit ang halimbawa: Mayroong dalawang guro na nagtuturo sa magkaibang paaralan. Sila ay bahagi ng isang lipunan, isang pangkat ng mga indibidwal na ginagabayan ng isang layunin ang magpadaloy ng pagkatuto ng mga mag-aaral. Ngunit walang malalim na ugnayan sa dalawang guro na ito.
Limitado ang nalalaman nila tungkol sa isa't isa. Ngunit dumating ang pagkakataon na nagsama sila sa isang scholarship at naging malapit na magkaibigan naging magkumare at nabuo ang mas malalim pa nilang ugnayan. Naniniwala ang isa na may malaking maiaambag ang kaniyang bagong kaibigan para sa paggabay sa kaniyang anak kung kaya niya ito ginawa. Sa pagkakataong ito, hindi na lamang bahagi ng isang lipunan ang dalawang guro kundi naging bahagi na ng isang komunidad.