itala Ang mga impormasyong pagkakatulad at pagkakaiba Ng mga kabihasnan sa loob Ng Venn diagram.gawin ito sa iyong sagutang papel.oakitam din po​

Sagot :

Answer:

Pagkakaiba ng mga Sibilisasyong Asyano

Sumer:

Cuneiform ang gamit nila pangsulat

Sumasamba sila sa kanilang mga diyos at diyosa sa loob ng ziggurat

Inimbento ang gulong at malaki ang naging ambag sa matematika, astronomiya, at siyensya

Indus:

Ang mga taga Indus Valley ay gumamit ng pictograph bilang pangsulat

Magaganda ang pagkakaplano sa kanilang mga lungsod

Shang:

Ang mga pinuno sa Dinastiyang Shang ay pinaniniwalaang pinili ng kalangitan

Naniniwala sila na ang centro ng mundo ay Tsina

Calligraphy ang gamit nila pangsulat

Pagkakapareho:

Ang lahat ng sibilisasyong ito ay umusbong sa mga teritoryo na sakop ng Asya

Malaki ang naging ambag ng agrikultura sa kanilang mga sibilisasyon dahil dito nila kinukuha ang kanilang makakain at maikakalakal

Matatagpuan sa mga lambak ilog ang mga sibilisasyong ito

Explanation: