II. Lagyan ng tsek (v) ang patlang kung ang pahayag ay angkop na maging wakas at exis X) kung hindi 1. Mayroong lakbay aral bukas ang magkakamag aral at magkakaibigan. Lahat sila ay sabik na sabik. Sila ay nagpapalitan ng mensahe sa kani-kanilang cellphone 2. Hanggang sa ngayon ay wala pa ring makahihigit sa kabutihan ng dating Pangulong Magsaysay. Naghinayang ang taong bayan sa madali niyang pagkawala sapagkat dakila siyang lider ng bayan. 3. Mula noon nagbago si Tipaklong. Natuto siyang gumawa at natuto na siyang mag-impok. 4. Inalagaan nang mabuti ni Aling Rosa ang halaman at tinawag itong Pinang. Sa palipat-lipat sa bibig ng mga tao ang pinang ay naging pinya. 5. Lumipas ang maraming buwan, hindi na nakita si Lita at ang kanyang munting likha ang siyang naging alaala sa kanya.​