Ilarawan ang Bundok Kanlaon

Need 5 answers​


Sagot :

Answer:

Ang Bulkang Kanlaon (Hiligaynon: Bulkan sang Kanlaon; Sebwano: Bulkan sa Kanlaon; Ingles: Kanlaon Volcano; Kastila: Volcán de Canlaon, Malaspina), na binabaybay din bilang Kanla-on o Canlaon, ay isang bulkang masigla na nasa pulo ng Negros sa gitnang Pilipinas. Nakasaklang ang istratobulkang ito sa mga lalawigan ng Negros Occidental at Negros Oriental, na tinatayang 30 km (19 mi) sa timog-silangan ng Lungsod ng Bacolod, ang kabisera at pinakamataong lungsod sa Negros Occidental.

Ang bulkan ay isang paboritong pook ng mga mamumundok at pangunahing lugar ng Likas na Liwasan ng Bundok Kanlaon (Mt. Kanlaon Natural Park), isang pambansang liwasan na unang inilunsad noong Agosto 8, 1934.[1][2] Isa ito sa masisiglang mga bulkan ng Pilipinas at kabahagi ng sinturong ng apoy sa Pasipiko.