1. Pinalawig ng mga pinunong tinatawag na halach uinic ang mga pamayanang urban na sentro rin ng kabihasnang Maya sa pagsamba ng kanilang mga diyos. Ano ang ibig sabihin ng halach uinic? A. tunay na lalaki C. tunay na pinuno B. tunay na kakaiba D. tunay na tagapaglingkod 2. Ano ang dahilan ng paghina ng ekonomiya at kabuhayan ng kabihasnang maya? A. Mayaman at maunlad ang mga lungsod-estado ng Maya. B. May mahusay na sistema ng pagtatanim na nagdulot ng sobrang produkto. C. Nagdulot ng kaguluhan at kahirapan ang madalas na digmaan sa pagitan ng mga lungsod-estado. D. Pagkawala ng sustansiya ng lupa. Ang paglaki ng populasyon ay nagdulot ng suliranin sa suplay ng pagkain. 3. Bakit mahalaga ang asin para sa mga African? A. Dahil marami ito sa kanilang lugar. B. Dahil ito ay ginagawa nilang gamut. C. Dahil ito ay nagsisilbing pampalasa sa kanilang mga pagkain. D. Dahil ginagamit ito upang mapreserba ang kanilang mga pagkain. 4. Paano nakatulong ang heograpikal na lokasyon ng mga kaharian ng Mali at Songhai sa pag-unlad nito?. A. Nagsilbing natural na proteksyon ng imperyo ang malawak na disyerto ng Sahara B. Napalilibutan ito ng mga anyong-tubig na nagbigay-daan sa pag-unlad ng pagsasaka C. Nakatulong ang kanilang lokasyon upang mapanatili ang kalayaan at kaligtasan mula sa banta ng mga mananakop D. Nagsilbi itong tagapamagitan ng kalakalan ng ginto, asin, at iba pang produkto sa pagitan ng kaloob-loobang bahagi ng Africa at ng mga Arab sa Sahara