Gawain 1: Tukuyin kung ang salaysay ay Pagbibigay ng Edukasyon isulat ang PE, Paggabay sa Paggawa ng Mabuting Pasiya isulat ang PMP o Paghubog ng Pananampalataya PP.

1. May mga pagpapatunay na ang pakikibahagi ng tao sa mga gawaing pangrelihiyon ay mahalaga upang magkaroon ng pangkaisipan at pandamdaming kalusugan.

2. Ito ang pangunahin at orihinal na karapatan ng isang bata.

3. Pangunahing dapat ituro ng magulang sa kanilang mga anak ang wastong paggamit ng kalayaan sa mga material na bagay.

4. May mga pagkakataong nakagagawa ng hindi maingat at makasariling pagpapasiya.

5. Pangunahing makakatulong upang ang isang tao ay maging matagumpay at masaya.

6. Tanggapin na ang Diyos ang dapat sentro ng buhay-pampamilya.

7. Hayaang maranasan ang tunay at malalim nitong mensahe

8. Mga simpleng turo tulad ng pagtanggap, pagmamahal, katarungan.

9. Mahalaga na sa murang edad ang isang bata ay binibigyan ng laya na magpasiya.

10. Iwasan ang pag-aalok ng suhol.​