Sagot :
Answer:
1. Pakinabang sa pagtatanim ng Halamang Ornamental Nilalaman: Sa araling ito, matutunan ng mga mag-aaral ang kahalagahang dulot ng panghahalamang ornamental sa kapaligiran at sa kabuhayanang pamilya. Maasahan mong malaki ang maibabahagi ng gawaing ito hindi lamang sa sarili, pamilya bagkus sa bayan.
2. Layunin: Natatalakay ang pakinabang sa pagtatanim ng halamang ornamental para sa pamilya at pamayanan
3. ALAMIN NATIN Bakit tayo nagtatanim ng mga halamang ornamental? May makukuha ba tayong kapakinabangan mula dito? Ano ang naitutulong ng pagtatanim ng mga halamang ornamental sa pamilya at pamayanan?
4. TANDAAN NATIN Mga kapakinabangan sa pagtatanim ng mga halamang ornamental 1. NAKAKAPIGIL SA PAGGUHO NG LUPA AT PAGBAHA - Kumakapit ang mga ugat ng mga punong ornamental sa lupang taniman kaya nakakaiwas sa landslide o pagguho ng lupa. Ang mga punong ornamental ay nakatutulong din sa pag ingat sa pagbaha dahil sa tulong ng mga ugat nito.
5. 2. NAIIWASAN ANG POLUSYON -sa gamit ng mga halaman/punong ornamental, nakakaiwas sa polusyon ang pamayanan sa maruruming hangin na nagmumula sa mga usok ng sasakyan, sinigaang basura, masasamang amoy na kung saan nalilinis ang hangin na ating nilalanghap.
6. 3. NAGBIBIGAY LILIM AT SARIWANG HANGIN -may mga matataas at mayayabong na halamang ornamental gaya ng kalachuchi, ilang-ilang, pine tree, fire tree, at marami pang iba na maaring itanim sa gilid ng kalsada,kanto ng isang lugar na puwedeng masilungan ng mga tao. Bukod pa rito sinasala pa ng mga tambutso, pagsusunog at napapalitan ng malinis na oksiheno (oxygen) na siya nating nilalanghap. kalachuchi ilang-ilang pine tree fire tree
7. 4. NAPAGKAKAKITAAN- maaring maibenta ang mga halamang ornamental na hindi naitanim o magpunla o magtanim sa paso sa mga itim na plastik bag o lata ng mga halamang ornamental na pwedeng ibenta. Ito ay nagiging pera para panustos sa pang araw-araw na gastusin.
8. 5.NAKAPAGPAPAGANDA NG KAPALIGIRAN – sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga halamang ornamental sapaligid ng tahanan, parke,hotel,mall, at iba pang lugar, ito ay nakakatawag ng pansin ng mga dumadaan na tao lalo na kung ang mga ito ay namumulaklak at mahalimuyak.
Explanation:
i hope na maka tulong :)