1. Alin sa mga pahayag ang naglalarawan ng estratehiyang divide and rule?

A. Ipinamigay ang ilang pulo ng Pilipinas sa ibang bansa sa Europa.
B. Pinaghati-hatian ng mga Espanyol ang mga pulo sa Pilipinas.
C. Hinati ang Pilipinas sa Luzon, Visayas at Mindanao, tapos ay sakupin. D.Pinag-away-away ang mga katutubo, tapos ay sakupin.

2. Ano ang ibig sabihin ng pagsasanduguan nina Humabon at Magellan?
A. Nais ni Humabon na magpabinyag sa Kristiyanismo.
B. Nagsabwatan sina Magellan at Humabon laban kay Lapu-lapu
C. Sinimulan ni Humabon ang ritwal ng sanduguan kay Magellan.
D. Naging magkaibigan at magkaalyansa sina Humabon at Magellan

3. Ano ang ginawa ni Magellan sa mga katutubo upang makuha ang tiwala sa mga ito upang matugunan ang interes ng kolonyalistang Kastila?
A. Kinaibigan ang mga pinuno ng mga pook na kanilang napuntahan.
B. Binigyan ng masasarap na pagkain ang mga katutubo.
C. Pinasakay ang mga katutubo sa kanilang mga barko at ipinasyal,
D. Pinagbabaril ang mga katutubo para masakop agad ang Pilipinas,

4. Bukod pa sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo, alin pa sa mga sumusunod ang iba pang pakay ng mga Espanyol?
A. Maraming mga magagandang pasyalan ang matatagpuan sa Pilipinas at balak na gawing turismo.
B. Ang bansa ay isang maagandang estratehikong lokasyon upang gawing base militar ng Espanyol.
C. Gawin itong pangunahing mapagkukunan ng ginto at perlas at ng mga hilaw na sangkap gaya ng niyog, indigo at iba pang produkto.
D. Nahuhumaling sila sa magagandang pakikitungo ng mga katutubong Pilipino.

5. Maliban sa ebanghelisasyon, ginamit din ng mga Espanyol ang espada upang mapasailalim sa kanilang kapangyarihan ang mga Pilipino. Ano ang ibig sabihin ng pahayag?
A. Mga espada ang pangunahing sandata ng mga Espanyol laban sa mga katutubo.
B. Maging marahas din ang mga misyonero sa pagsakop sa Pilipinas,
C. Gumamit ng puwersang militar ang mga Espanyol sa kanilang pananakop.
D. Pinagsabay ng mga sundalong Espanyol ang krus at espada sa pakikipaglaban.​