Lumikha ng isang makatotohanang Tambuhay sa sarili. Sundi ang padron o pagkakasunod sunod sa ating tinalakay.

ANG AKING TALAMBUHAY


Sagot :

Answer:

Ako si Clarise Espinola.nakatira sa Mojon,Malolos Bulacan.Ako ay kasalukuyang nag-aaral sa Unibersidad ng Bulacan na may kursong Information Technology.Ako ay 17 taong gulang na.Ang aking mga magulang ay sina Nelia Espinola,isang housewife at Larson Espinola na isang welder.Dalawa lang kaming magkapatid.Isa lamang akong simpleng estudyante na may munting pangarap.Yun ay ang makapagtapos ng pag-aaral.Ako yung tipo ng tao na lagi lamang sa loob ng aming munting tahanan lalo na kapag walang pasok.Marami din naman akong mga pinagkakaabalahan.Paminsan minsan ay gumuguhit ako.Isa kasi ito sa aking mga libangan.Libangan ko din ang magbasa ng mga libro,manuod sa telebisyon,at ang makinig ng musika.Tumutulong din ako sa mga gawaing bahay lalo na kapag walang pasok.Masaya ako sapagkat mayroon akong mga tunay na kaibigan.Medyo maselan ako pagdating sa pagkain.Syempre lahat naman tayo ay may mga gusto at ayaw.Sa mga magkakaibang bagay nga lang. Nais kong makapagtapos ng pag-aaral.Hindi lamang para sa akin kundi maging sa aking mga magulang.Mabigyan ng magandang kinabukasan.lahat ng ito ay pangarap ng bawat isa,ang makaahon sa kahirapan.

Suwerte ako sa mga taong nakapaligid sa akin.lalo na sa aking mga magulang.Masasabi kong maganda at makulay ang mundong aking ginagalawan.Dahil sa nandyan ang aking mga magulang na handang dumamay at sumuporta sa lahat ng bagay.Kaya lubos akong nagpapasalamat.

Explanation:

Halimbawa lang po iyan