Gawain Bilang 4: Panuto: Basahin at unawin ang usapan sa loob ng kahon. Sagutin ang mga katanungan at isulat ito sa espasyong nakalaan sa bawat katanungan.

Lina: Pera na lang ang ibigay natin sa mga batang lansangan sa darating na Pasko. Mabuti na iyon para mabili nila kung ano ang talaga ang gusto nila.

Cora: Mga laruan na lang kasi pra baka gamitin lang nila kung saan-saan. Kung mga laruan, tiyak paglalaruan pa nila iyon.

Betty: Mga damit na lang sapagkat tila hindi sila nakakaranas magsuot ng maayos na damit.

Vena: Lahat ng opinyon ninyo ay magaganda at kapakipakinabang ngunit isipin din natin kung ano ang madali nating mahihingi sa mga mamamayang nakaririwasa sating lugar.

Lina: kung ganoon, kung papayag kayong lahat, mga laruan at damit na lang ang ating ipamigay sa darating na pasko

1.Sino-sino ang nagpulong?
________________________________

2.Ano ang kanilang pinag usapan?
________________________________

3.Pare-pareho ba ang kanilang layunin?
________________________________

4.Ano ang mungkahi ng bawat isa?
________________________________

5.Ano ang naging bunga ng kanilang pagpapalitan ng opinyon?
________________________________