Ano ang bantog na aklat ng tinaguriang Ama ng Sinaunang Pabula?

Sagot :

Answer:

Kinikilalang Ama ng Sinaunang Pabula (o Father of Tales) si Aesop.

Si Aesop ay isang Griyegong kumakatha ng mga pabula at mga kwento, ipinapalagay na mayroon siyang nagawang mahigit 600 na kwento, na kilala ngayon bilang Aesop’s Fables. Nabuhay siya noong mga 2500 taon na ang lumilipas noong panahon ng sinaunang Gresya. Nakatira siya sa Samos, isang isla sa silangan ng dagat Aegean.  

Hindi malinaw ang ebidensya kung talagang siya ba ay umiral, at walang nasusulat niyang mga kuwento ang makita o mahanap. Pinaniniwalaan ng iba na sya ay isang alipin at taga-kwento (storyteller). Maaaring nakilala lang ang kaniyang kwento sa pamamagitan ng bibigang pagpapasa at hanggang sa maalala ito ng iba at ikuwento din. Ang kaniyang mga kathang isip na kwento ay karaniwan ng tungkol sa mga hayop, mga bagay na walang buhay na nakapagsasalita, nakareresolba ng mga problema, at may mga katanging tulad ng sa tao.

Explanation: