( essay sana)ang mga natutunan ko tungkol sa iba't-ibang gamit ng wika at paano ko ito magagamit sa aking buhay bilang mag-aaral​

Sagot :

Answer:

Sa mundong ito, merong iba’t ibang uri ng wika. Merong wikang pilipino, ingles, kastila, at marami pang iba. Ang mga taong hindi makakarinig o makakapagsalita naman, ay may sarili ring wika. Tayong lahat ay may sariling wika, at pareho lamang na rason, kung hindi ang magkaintindihan. Ang wika ay ginagamit natin upang tayo ay magkaintindihan. At ginagamit din ito upang tayo ay magkakausap sa ating kapwa tao.

Bilang isang mag-aaral, marami rin tayong matutuhan ukol dito. Marami tayong wikang matutuhan kapag tayo ay gustong mag-aral ng ibang wika. Hindi lamang ito para sa pakikipagusap kung hindi, para magkaintindihan din kung ano ang nais nating iparating sa iba. Pwedeng-pwede tayo mag-aral ng ibang wika upang maintindihan din ang ibang taga-ibang bansa na iba ang wikang sinilangan. At sa pamamagitan nito, maaari tayong magkaroon ng kaibigan sa ibang bansa o lugar. Pwede rin tayong magkaroon ng trabaho nang hindi nahihirapan sa kanilang wika dahil napag-aralan na ito. At sa pamamagitan din nito, ay nagamit natin ang wika sa mabuting paraan.

Wala namang mali sa pag-aaral ng ibang wika hanggang sa alam mo ang iyong limitasyon. Dapat ding mas tuunan ng pansin ang sariling wika at bigyan ito ng mas malaking atensyon. Bilang isang mag-aaral ay marami pa tayong dapat alamin sa ating wika, kaya bago natin tuunan ng pansin ang iba, siguraduhing alam natin ang sarili nating wika. Marami pa tayong lalakbayin at dapat matutuhan. At bilang isang mag-aaral, marami tayong magagamit sa ating ating buhay gamit ang wika.