Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Basahin at unawain ang talata.
Sagutin ang tanong sa ibaba. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Sa pagdating ng mga Español sa Pilipinas, marami
sa mga Pilipino ang naging Kristiyano. Niyakap nila ang
pananampalataya na dinala ng mga dayuhan. Sa
nakalipas na ilang daang taon, nanatili ang malalim na
pananampalataya ng mga Pilipino. Makikita ito sa mga
gawain ng mga mananampalataya sa kanilang
pang-araw-araw na pamumuhay.
Ano ang kaugnayan ng pananampalataya at relihiyon sa
pamumuhay ng mga tao?
Magbigay ng mga sitwasyon at mga obserbasyon dito.​