1. ANO ANG NANGYARI? Magandang buhay! Kumusta kayo! Basahing mabuti ang mga tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot sa unang pasulit. 1. Iniimbitahan ka ng iyong pinsan na dumalo sa kanyang pagtatapos sa mataas na paaralan at nangako kang dadalo ngunit marami kang dapat tapusin na gawain. Ano ang dapat mong gawin? A. Ipagpatuloy mo ang iyong gawain. B. Ipagwalang bahala ito. C. Dadalo dahil nakapangako ka. D. Hahanap ng dahilan. 2. Magdiriwang ng karaawan ang iyong dalawang kaklase ngunit isa lang sa kanila ang kaya mong bilhan ng regalo dahil kakaunti lang ang perang pambili mo.Si Lucia ay mayaman at si Ana naman ay mahirap. Sino sa dalawa ang nararapat bigyan ng regalo? A. Wala muna sa kanila ang bibigyan ko. B. Si Lucia dahil siya ay mayaman bibilhan ka rin niya ng regalo sa iyong kaarawan. C. SI Ana dahil siya ang nangangailangan. D. Silang dalawa ang bibilhan ko. 3. Hiniram ng kaibigan mo ang aklat mo sa Filipino. Ipinangako niyang isasauli iyon pagkaraaan ng tatlong oras. Matagal kang naghintay, pero hindi bumalik ang kaibigan mo. Ano ang reaksyon mo? A. Kukumbinsihin ang sarili na walang magandang idudulot ang pagpapahiram ng mga gamit B. Kakausapin siya tungkol sa kahalagahan ng pagsasauli ng hiniram sa takdang oras na pinag-usapan. C. Magpapasalamat sa mga kaibigan sa hindi pagsauli sa ipinangakong oras. D. Magpapahiram lamang ng mga gamit kung sa bahay mo lang siya gagamit 4. Ipinangako ng nanay mo na bibilhan ka ng bagong bag. Nang dumating siya, hindi mo nagustuhan ang tatak ng bag na binili niya para sa iyo. Sabi niya, "Anak, ito ang tatak ng bag na kaya kong bilhin." Ano ang magiging reaksiyon mo? A. Tatanggapin ng buong puso ang bag, B. Ipapangako sa sarili na hindi na masyadong aasa mula ngayon. C. Ibibigay nalang ang bag sa kapatid. D. Maaawa sa iyong nanay.